Malamang isa ka sa mga business partner natin dito na nagtatanong why wala ka pang napapasali sa business mo, sinunod mo naman iyong mga trainings, nagbasa kapa nga at nanood ng mga video at iyong mga tinuro sayo ng upline mo ay ginawa mo na rin.
Bakit until now wala ka pa ring napapasali? Weird di ba?
I experienced this before, iyong tipong inggit na inggit ka sa mga kasabayan mo dahil sila ang bilis nila magpasali tapos ikaw wala ka pa ring mapasali at sa aminin mo man or sa hindi, nalow-low moral ka na minsan dahil wala pa rin sayong naniniwala at minsan gusto mo na mag-QUIT.
Well, natural lang yan kapatid kung nararanasan mo ang mga bagay-bagay na iyan sa business natin. It's all part of the business, lahat ng yan pag-dadaanan mo, walang hindi dumaan dyan kahit tanungin mo pa ang upline mo pinagdaanan din nya yan.
Rejection, Mga Negative Prospects, Mga Sasali pero hindi naman pala at minsan susulotin pa ng iba. Lahat yan part ng business natin : )
And besides kung nagawa mo naman ng tama at nadeliver ang sagot sa mga objections ng prospects mo, walang mali sayo sadyang hindi pa siguro sila handa na gawin ang business natin or nag-eenjoy pa sila sa ginagawa nila ngayon.
If gusto mo talaga makapasali ng tao, wag kang mag-madali, wag kang mainip, wag mo munang iisipin kung magkano ang kikitain mo, gawin mo lang ng tama ang business mo at sagutin mo ang mga tanong ng prospects mo and let it be. Pag may questions sya, sagutin mo lang, ibigay mo ang panga-ngailangan nya na makakatulong sa kanya na makapag-decide kung para ba sa kanya ang business or hindi.
Wag na wag mo ring po-problemahin kung sino ang kakausapin mo ngayong araw kasi kapag pino-problema mo yan lalo kang nalow-low moral, mas lalo kang malow-lowbat at mawawalan ng gana.
Ano kaya kung pag-gising mo sa umaga at close pa ang computer mo simulan mo ng ganito, " Diyos Ama, Salamat sa panibagong buhay na binigay nyo po sa akin sa araw na ito. Sana po ay tulungan nyo ako sa araw na ito na mas lumalim ang relasyon ko sainyo. Salamat din po sa mga biyayang ibibigay mo sa akin, lalo na po sa negosyo kung ito. Salamat din po sa mga taong ipapakausap mo sa akin at sa mga sasali na rin. Salamat din po Ama kasi kahit wala akong nakausap kahapon or walang sumali sa akin ay nagpapasalamat pa rin ako dahil alam ko meron kang magandang plano para sa akin. Idinadalangin ko po yan sayo Ama sa ngalan ng iyong anak na si Jesus Kristo na aming taga-pagligtas at sa inyong makapangyarihang espiritu santo. Amen.
Hindi ako nagsesermon dito mga partners but prayer is the most powerful tools, powerful breakfast, powerful charger para hindi ka malowbat. Try mo everytime pag-gising mo sa umaga, and watch HIS plan for you.
And after that punta ka sa harap ng salamin sabihin mo "Ang gwapo gwapo ko talaga" sa di mo malamang kadahilanan, mababasag ang salamin (lols)
Ngayon na ready ka na ulit na kausapin ang mga possible prospects mo, greet your prospects with a smile like " Good Morning Friend, Ang Taba Mo ngayon ah! hahaha...(joke lang), ito iyong sabihin mo." Good Morning Friend, Is it a lovelyday isn't? Oh I love your profile picture, you look wonderful. " (Bahala ka na kung anong greetings mo sa kanya)
For sure nakasmile din ang prospects mo kasi puro-papuri sa kanya ang mga sinasabi mo. Sa tingin mo may connection ka na sa kanya? Tingin mo bumukas na ba ang pintoan mo sa kanya? Pwede mo din itong gamitin kapag nagfo-follow up ka, it really-really works!
Always Remember, Start your Day with Prayer and a SMILE : )